TUMINGALA si Karen nang dumaan si Ysabel sa kaniyang harapan. Kanina pa ito palakad-lakad at hindi mapakali. Nais niyang magalit sa babaeng ito dahil sa lahat ng kasamaan nitong kaniyang nasaksihan. Ngunit hindi niya magawa dahil batid niyang wala siyang laban dito. Nabilog na ni Ysabel ang ulo ng lahat ng taong nasa mansion. Ipinangako ng babae sa kanilang lahat ang pantay-pantay na hati ng kayamanan sa oras na magtagumpay ito sa ninanais. Naisin man niyang umalis na sa mansion nang sa ganoon ay hindi na madamay pa sa kaguluhan ay hindi niya magawa. Si Ysabel ay isa niyang matalik na kaibigan. Datapwat nasa limang taon ang tanda ng edad niya rito. Hindi niya maiwan ang mayordoman ng mga Damien na siyang mahal niyang kaibigan sa kabila ng mabilis na pagbabago nito dahil sa paghahangad ng k

