WALA NA NGANG makatatalo pa sa kasiyahang nararamdaman ni Ken ngayong batid niya na ang tungkol sa dinadala ng nobya. Tila ito isang mabisang gamot na pansamantalang pinaghilom ang sakit na kaniyang dinaramdam. Ang lahat ng bigat sa kaniyang dibdib ay panandaliang naglaho. Ngunit ang lahat ay tiyak na panandalian lamang. Hindi pa rin naglalaho sa kaniyang dibdib ang malaking sugat na gawa ni Inigo Damien. Nang mahimbing si Thoie ay binasa niyang muli ang dokumentong ibinigay ni Elijah. Ang kaniyang pirma na lamang ang hinihintay nito at maililipat na sa kaniyang pangalan ang kalahati shares ng kumpanyang pinamamahalaan ni Inigo Damien. Sabihin mang naging makasarili siya sa pagnanais na makamtan ang kayamanang dapat ay noon pa tinamasa ng kaniyang Lola Mameng, ngunit hanggang sa huling h

