CHAPTER 13

835 Words
NAPAILING SI Waki nang makita nito si Jazzy sa labas ng pinto ng bahay nito.   “What?” tanong niya. “Party ang pupuntahan natin, hindi lamay.  Wala ka bang ibang kulay ng damit bukod sa itim at gray?  And don’t you have any skirt or sleeveless shirt?” “To answer your question…no, no, and no.  At kung nagrereklamo ka sa suot ko, problema mo na iyon.” “That wouldn’t work.”  Hinila nito pasara ang pinto at nagtungo sa sasakyan nito.  “Let’s go.” “Saan tayo pupunta?” “Basta sumunod ka na lang.”  Binuksan nito ang pinto ng Pajero nito.  “Get in.” Subalit bago siya makapasok ay narinig pa niya ang isa sa mga taga-Calle Pogi nang mapadaan ito sa tapat ng bakuran ni Waki habang nagdya-jogging. “Aba, Waki, mukhang nagbago ka na nga, ah.  For good na ba iyan?” “Oo,” sagot ng binata. “Dapat lang.  Dahil lagot ka kay Bucho kapag nagloko ka.” “Matt, si Natalya, o.” Wala naman siyang nakitang babae sa direksyong itinuro ni Waki ngunit sapat na iyon upang bumilis bigla ang takbo ng resident pediatrician ng Calle Pogi.  Sabay pa silang napasinghap ni Waki nang bumangga sa poste ng ilaw ang doktor.  Tumihaya ito sa sementadong sidewalk pero agad ding tumayo at malakas na minura ang pobreng poste bago nagtuloy sa pagtakbo. “Okay lang ba iyon?” tanong niya.  “Mukhang masama ang bagsak niya, ah.” “He’s fine.  Ganyan lang talaga si Matt kapag naririnig ang pangalan ni Natalya.  Disorriented.” “Disorriented?” “Matteo had a bad case of highschool crush on Natalya.  Pero pumasok ka na ng sasakyan para makaalis na tayo.  Mali-late na tayo nito sa pupuntahan natin.” Naimbitahan kasi sa isang fashion show ang binata.  Isasama raw siya nito para matigil na ang kuryusidad sa kanya ng mga tao.  Para na rin daw masanay ang showbiz ang existence niya at tigilan na ang pag-ukilkil sa pagkatao niya. “Wala yata akong nakikitang mga showbiz reporters na umaali-aligid sa Calle Pogi.  Usually, hindi ba’t nakakalat ang mga iyon sa labas ng bahay ng mga sikat na taong tulad mo?” “That’s what I like about this place,” sagot nito.  “Kaya nilang pangalagaan ang privacy ng mga residente nila.  At si Bucho lang ang nakagawa niyon.” “Si Kuya?” “Yeah.  Even before he became our barangay chairman, nagagawa na niyang ayusin ang security ng buong lugar.  Nang minsan kaming nagkainuman, naitanong din namin sa kanya kung ano ang dahilan niya at nananatili siya sa Calle Pogi.  Ang sabi niya, he just liked the name.” “Hindi ganon kababaw si Kuya.  Sa bawat ginagawa nun, laging may dahilan.” “Of course we know that.  Lahat naman kami, ang press release namin ay gusto lang namin ang lugar na iyon dahil bagay kaming mga pogi doon.  Pero ang totoo, may kanya-kanya kaming malalalalim na dahilan kung bakit nanatili kami sa napakasimpleng barangay ng Calle Pogi.  Buwi stayed because he couldn’t stay away from the woman he loves.  I stayed because of the security and privacy it offered.  And also because of the friendship I have found there.” At mukhang iyon din ang trip ng kuya niya sa lugar na iyon.  Ang pagkakaalam kasi niya, sa klase ng trabaho nila ay bihira itong magkaroon ng matatawag na matatalik na kaibigan.  Ngayon lang.  Sa Calle Pogi lang.   Nauunawaan na niya kung bakit nagawa ng kuya niyang iwan ang napakagandang trabaho nito bilang isa sa pinakamagaling na detective sa buong mundo.  At ipagpalit iyon sa pagiging simpleng barangay chairman.  Her brother had found fulfillment in a place called Calle Pogi. “Ah, here we are,” mayamaya’y deklara ni Waki.  Nauna na rin itong bumaba at inalalayan siyang makababa ng sasakyan. Hindi niya tinanggap ang kamay nito para alalayan siya.  She looked at the tall building in front of them.  “Ano ang gagawin natin dito?” “Maghahanap ng matinong damit na maisusuot mo para sa party.” “I am in a dress.” “Yeah, and you also look like a guy.”   Sumimangot lang siya.  She never really cared about what people think of the clothes she wear.  Kumportable naman kasi siya roon.  Pero nang sabihin ni Waki na mukha siyang lalaki sa suot niya, nagkaroon tuloy siya bigla ng kagustuhang magbago ng damit para lang patunayan sa lalaking iyon kung sino ang tinatawag nitong mukhang lalaki. “Ano pa ang hinihintay mo riyan?  Mali-late na tayo.” “Nag-iisip…”  Napatingin na lang siya rito nang balikan siya nito at hawakan siya sa kanyang kamay bago siya hinila papasok ng mall.   Sa magkasalikop nilang mga kamay. She never had the chance to hold hands with a guy before.  So this is what it felt like.  Masarap pala…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD