NAGTAKA SI Jazzy nang maabutang nagkakagulo ang mga tauhan nila sa agency. Hindi magkandaugaga ang mga agents nila, office personnel pati na ang tatlong security guards sa pagdampot ng napakaraming pagkain sa mesa.
“Anong meron?” tanong niya.
“Ma’m! Kain kayo!”
“George?” Bakit naroon ang driver ni Waki? “Anong ginagawa mo rito? Nasaan si—“
“Hello, Miss.”
Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib nang marinig mula sa likuran niya ang pamilyar na boses na iyon ni Waki. Lumayo muna siya rito nang lingunin niya ito. May hawak itong plato na punong-puno rin ng pagkain.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Naisip ko lang na i-treat ka dahil sa ginawa mo para sa akin kahapon. Kaya dinalhan kita ng pagkain dito sa opisina mo.”
“Paano mong nalaman na nandito ang opisina ng Conan?”
“I asked your brother.” He offered her a piece of lumpiang shanghai. “Masarap ‘to.”
“Oo nga, Ma’m!”
“Siyempre,” pagmamalaki ni George. “Magaling talagang magluto ang boss ko.”
Binalingan niya ang mga pagkain pagkatapos ay ang binata. “Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?”
“Hindi. ‘Yung kanin lang.”
“Maniwala kayo sa akin, Ma’m,” singit uli ni George. “Kahapon pa naghahanda iyan si Sir Waki. Siya ang nagluto ng lahat ng ito.”
“Akala ko ba may sakit ka kahapon?”
“Oo nga.” He went to the table and picked up a piece of fried chicken. He offered it to her again. “Kaunting pahinga lang naman at nawawala na ang sakit ng ulo ko.”
“Kaya nakapagluto ka.”
“Medyo. Come on, let’s eat. Baka maubusan ka na ng mga tauhan mo. Ang lalakas pa naman nilang kumain.”
Nagtawanan lang ang mga tauhan niya. Relieved that Waki had recovered and feeling great that he had cooked these food for her, she joined in the little party.
“Subuan na kita, Jazzy,” alok ni Waki na katabi niya sa upuan.
“Bakit?”
“Inalagaan mo ako kahapon. Ito na lang ang bawi ko sa iyo.”
“Walang bayad ang tulong ko.”
“Hindi naman ako nagbabayad. Tumatanaw lang ako ng utang na loob.” He offered her his spoonful of rice and menudo. “Ah.”
“Kumain ka na lang mag-isa riyan.”
“Mas gusto kong pakainin ka. Ang payat mo kasi. Parang lagi kang kinukulang sa pagkain.”
“Hindi ako payat. Fit ang tawag diyan.”
“Payat iyan. O, eto na lang, fried chicken.”
“Hindi ka rin makulit, ano?”
Tumawa lang ito. “Napaghahalataang hindi ka talaga sanay na binibigyan ng atensyon ng mga lalaki.”
“None of your business.”
“You have a rice here…” Waki had brushed the side of her lips with his thumb. “Meron din palang flaw si Miss Perfect.”
Hindi niya inaasahan ang ginawa nito kaya hindi siya nakapag-react. And he was so close that she could almost breathed in his spicy masculine scent. He grinned. Nadale na naman ang t***k ng puso niya kaya lumayo na siya rito.
“O, saan ka na naman pupunta?”
“Mangungubeta.”
Napangiwi ito at napaungol naman ang mga empleyado niya.
“Ma’m, naman. Nanginginain tayo, eh.”
“Bakit ba? Sa talaga namang mangungu—“
Tinakpan na ni Waki ang bibig niya. “Oo, alam na namin. Hindi mo na kailangng ulitin.”
Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang bibig. “Ano ba?”
Napatitig na lang ito sa kanya at saka unti-unting ngumiti. “Ang ganda mo talaga kapag nagagalit ka, Jazzy.”
Tuksuhan naman ang umugong pagkatapos. Hindi niya alam kung paano sasawayin ang mga tauhan dahil iyon ang unang pagkakataon na nalagay siya sa hotseat. Idagdag pa na nanggugulo rin ang napakalakas na t***k na iyon ng kanyang puso.
“Kung ganon, Ma’m, totoo pala ang tsismis? Na kayo na ni Waki Antonio?”
Nilingon niya ang sekretarya. “Ha?”
“A, huwag mo siyang intindihin, Jazzy. Nagbibiro lang—“
“Teka lang.” Hinarap niya si Sherry. Kitang-kita niya na napalunok ito. “Ano nga uli ‘yung sinasabi mo kanina? Anong tsismis iyon?”
Pero hindi na nito kailangang sumagot dahil nahagip na ng tingin niya ang nakabuklat na diyaryo sa ibabaw ng table nito. She picked it up and saw of her and Waki together, as they walked out of a building. On the next picture, nakaakbay naman sa kanya ang binata habang nakadikit ang mukha nito sa buhok niya. the caption said, Joaquin Antonio’s Mystery Girl Reappeared and their Relationship Confirmed…Our Beloved Waki is Now Officially Taken.
Nawalan na ng imik ang mga tao roon nang harapin niya ang binata. May pasak ng kutsara ang bibig nito habang tila hinihintay ang magiging hatol niya.
“Reappeared? Ano ako, multo?”
“E…hindi ka galit?”
“Mamaya na.” Nauna na siyang naglakad patungo sa kanyang pribadong silid. “Sumunod ka sa akin.”
Inihatid ito ng tuksuhan pa rin ng mga empleyado niya.
“Kaya mo iyan, Sir!”
“We love you, Waki!”
Pagsarang-pagsara nito ng pinto ay hinarap na niya ito. “Hindi ako magtatanong tungkol sa tsismis na iyon. Pero gusto ko lang sagutin mo ako ng diretso. You came here for something, am I right?”
“Medyo.”
Humalukipkip siya. “I’m waiting.”
Nagpaliwanag naman ito agad. “I was just thinking of consoling you. Alam ka kasi magagalit ka sa mababasa mo. I’m sorry, hindi ko kontrolado ang mga lumalabas na balita.”
Batid niyang galit siya rito dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya rito. Pero nang marinig niya itong nauna ng nag-sorry ay tila naglahong parang bula ang lahat ng gusto niyang isumbat dito. At kumampi pa yata ang isip niya ngayon sa binata dahil naalala niyang siya naman ang nagsabi sa nagtanong na siya nga ang girlfriend ni Waki. Nakakapanghinayang lang na iba naman pala talaga ang dahilan nito ng pagpunta roon.
“So, anong gagawin natin ngayon?” tanong niya mayamaya. “Hindi puwedeng makaladkad ang pangalan ko sa madla dahil sa trabaho ko. Nasabi ko na iyan sa iyo noon. I can’t afford—“
“You can scream, you know.”
“What?”
Nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang balikat. “Ilabas mo ang galit mo, Jazzy. Huwag mong itago iyan sa dibdib mo. Masama iyan sa kalusugan.” Inalog-alog pa siya nito. “Magwala ka, Jazzy. Sumigaw ka, sampalin mo ako, sipain, suntukin. Basta mailabas mo lang iyang galit mo.”
“Wala akong mailalabas na galit pero may ilalabas akong palakol diyan kapag hindi mo pa ako tinigilan.” Pinalis niya ang mga kamay nito. “Umayos ka nga.”
Pero imbes na lumayo ay nanatili lang ito sa harap niya at nakangiting inayos ang kanyang buhok. Masamang tingin lang ang ibinigay niya rito.
“Ang sabi ko, umayos ka. Hindi ayusan mo ako.”
“Hindi ko na kailangang ayusan ka. Maganda ka na talaga.”
Kung hindi lang niya nabasa ang profile nito nang paimbestigahan niya ito ay baka naniwala na siya sa mga sinabi nito. “Puwede bang bumalik na tayo sa nauna nating problema?”
He walked back until he was leaning against her mahogany desk. And then he crossed his arms over his broad chest and watched her carefully, his sexy eyes now gleaming with mysterious emotions she couldn’t comprehend. Pakiramdam niya ay pinipilit nitong tingnan ang pinakatatago niyang pagkatao kaya napilitan siyang ibaling sa ibang bagay ang kanyang atensyon.
“Hindi ko inisip na darating tayo sa ganitong pagkakataon, Jazzy,” wika nito. “Akala ko, hanggang sa huli ay magbabanggaan tayo. But I like this better. Mas nakikita ko totoong ikaw.”
“Huwag mong ilayo ang usapan, Waki. Hindi kita niyaya rito para pag-usapan natin ang kagandahan ko.”
She heard him chuckled. “You’re right. Okay, let’s talk about this little problem of ours. Meron ka bang maisa-suggest na solusyon?”
“Wala.” Nilingon niya ito. Tila tinukso na naman ang puso niya niya nang makitang nakatingin pa rin ito sa kanya. Tumikhim siya. “Ikaw?”
“Yeah, I have.”
“Okay, let’s hear it.”
Nag-umpisa itong magpaliwanag. Samantalang siya ay nag-umpisa namang ayusin ang takbo ng isip at puso niyang pasaway.
“I was thinking of just playing with the issue for a while. Kung iiwasan kasi natin iyan, gaya rin ng sinabi ko noon, mas lalo lang lalaki ang problema. I know how media works. The more you resist, the more they would come to you. Kaya ang mabuti pa, aminin na lang natin sa media na may relasyon nga tayo. Tutal naman, kapag may ibang mas malaking isyu na lumabas, makakalimutan na ng lahat ang tungkol sa atin. We could have our little ‘breakup’ afterwards and nobody would even notice.”
“Gusto ng tubig?”
“Yes, please.”
Napangiti na lang siya nang tumayo upang kumuha ng tubig. “So, what are you saying? Na magpanggap tayong magkasintahan habang wala pang mas malalang isyu ang lumalabas?”
“Yes.” Kinuha nito ang baso ng tubig na iniabot niya. “Well?”
“Paano na ang atraso ko sa iyo?”
“If we pull this off clean, kakalimutan ko na ang mga nangyari sa atin noon.”
“Okay.” Inilahad niya ang kanyang kamay. “Deal.”
He took her hand into a firm but gentle grip. “Deal.”
Saglit na nagtama ang kanilang mga mata at naramdaman niya ang paglakas na naman ng t***k ng kanyang puso. Mas lalo pang umarangkada ang puso niya nang marahang pisilin nito ang kamay niya. Agad niyang binawi ang kanyang kamay.
“I’m…sorry,” paumanhin nito.
“Its fine.”
“So, ah…tapos na ang pagiging bodyguard mo. Girlfriend na kita ngayon.”
“Ha?”
“I mean, pretend girlfriend.”
“Parang ganon na nga. Pero…”
“Pero?”
“I don’t know how to be a girlfriend.”