CHAPTER 6

1922 Words
TINAWAG NI Jazzy ang crew ng Sweet Sage na dumaan sa table niya.  “Excuse me.  Puwedeng makahingi ng extra sugar?  Kulang kasi sa tamis itong juice na in-order ko.” “Ah…” “May problema ba?” nakangiting tanong ng lalaking lumapit sa kanila.  Nakasalamin ito at may kipkip na clipboard.  “Can I help you with anything, Miss?” “No need.  I’m already talking to him.”  Itinuro niya ang crew na biglang namula.   Tila hindi naman ito naapektuhan dahil nakangiti pa rin ito nang magpakilala sa kanya.  “I’m Sage Madridejos  I’m the owner of this bakeshop.  Kung meron ka mang tanong o problema sa kahit na anong may kinalaman sa products and services ng Sweet Sage, ako na lang ang kausapin mo tutal wala naman akong ginagawa ngayon.” “Okay.”  Nagkibit lang siya ng balikat.  “Medyo matabang kasi itong juice na in-order ko kaya ako humihingi ng extra sugar.  At may tanong din ako.  Bakit kailangang lagyan ng straw ang iniinom sa isang baso?  Straw should only be used for takeout orders of drinks.” “I’ll take a note on that.”  Simple lang nitong dinampot ang straw sa kanyang inumin saka inutusan ang crew.  “Ikuha mo siya ng extra pack ng sugar, Marco.  Would that be all, Miss?” “Sa ngayon, oo.  Tatawagin ko na lang uli kayo kapag nagkaroon pa ako ng problema.”  Binalikan na lang uli niya ang binabasang magazine.  “Salamat.” Nag-init na naman ang ulo niya nang makita ang larawang iyon sa magazine.  Napilitan siyang bumili kanina dahil sa naging eksenang iyon kahapon sa grocery store.  At habang patuloy niyang binabasa ang kung ano-anong mga articles patungkol sa mga larawan nilang iyon ni Waki sa ospital, parang mas lalong tumitindi ang kagustuhan niyang pumatay ng tao.  At iisang tao lang dahilan ng lahat ng iyon. Ang lalaking iyon na kapapasok pa lang ng naturang bakeshop.   Mukhang kakilala nito ang may-ari ng lugar na iyon dahil nag-usap pa sandali ang mga ito.  Nagsalubong na naman ang mga kilay niya nang makita niyang napatingin na sa direksyon niya ang pansin ni Waki ngunit nanatiling nakikipag-usap ito kay Sage.  Na tila ba wala silang importanteng pag-uusapan nang sandaling iyon.   Pinaghihintay pa talaga siya ng hudyo!   She was trying to get his attention by giving him a stern look.  But the guy just smiled at her!  Ewan naman niya kung bakit parang natigilan siya sa ginawa nito.  At natagpuan na lang niya ang sariling pinagmamasdan ito.  Sige, guwapo na ito kung guwapo.  Maganda ang pangangatawan at matikas ang tindig.  Gaya ng kausap nito, matangkad din ito na kung tatantiyahin niya ay lalagpas sa anim na talampakan.  Just like Bucho.  Bigla siyang napakunot-noo.   Bakit niya ikinukumpara ang lalaking iyon sa kanyang kuya?  Her older brother was the best.  And that Waki guy was just…an actor.  A regular guy.  Walang dapat na ipagkumpara.  Binalikan na lang niya ang iniinom pati na ang magazine sa kanyang harapan.  Ngunit nakaplastada naman doon ang guwapong mukha ni Waki na nakangiti sa kanya.  Kinuha niya ang straw na inayawan niya kanina at itinapik-tapik ang dulo niyon sa larawan. “Malaki ang atraso mo sa akin at hindi mo ako makukuha sa pagngiti-ngiti mong iyan,” wika niya sa larawan.  “Lumapit ka lang dito at makikita mo—“ “Ang alin?”  Naupo na sa bakanteng silya sa table niya si Waki.  Ngiting-ngiti ito, as if he was really happy to see her.  Tiningnan nito ang magazine sa harap niya.  “Uy, may kopya ka na rin pala nito.  Wait.”  May kinuha ito sa likod ng bulsa ng pantalon nito.  Isang ballpen.  At basta na lang nito pinirmahan ang cover ng magazine.  “There.  Ingatan mo iyan.  Alam mo bang kikita ka ng limpak-limpak na salapi sa pirma ko lang?  Maraming babae ang siguradong maiinggit sa iyo dahil minsan lang ako mamigay ng autograph ko sa mga fans.” Imbes na pakinggan ay pinunit lang ang larawang kuha sa ospital at ibinigay na ang buong magazine sa babaeng crew na dumaan sa tabi nila.  “Here.  Sa iyo na lang.  Ayoko kasi ng sinusulatan ang mga gamit ko.” “Ay!  May pirma ni Waki!  Thank you, Miss!”  Kimi lang na ngumiti ang dalagita nang bumaling sa binata.  “Hi, Waki.” “Hello,” nakangiting bati ni Waki.  “Ingatan mo iyan, ha?  May personal touch pa iyan ni Jazzy.”  Tinapik nito ng ballpen ang punit na bahagi ng magazine.   Tatawa-tawang umalis lang ang dalagita, yakap ang magazine.  Hindi naman niya maiwasang magtaka.  Obvious na dakilang taga-hanga ni Waki ang dalagitang crew ngunit simpleng ngiti lang ang ibinigay nito sa binata at nagpatuloy na ito sa kung ano man ang ginagawa nito.  That’s it.  Walang excited na tilian at kaguluhan gaya ng natural na nangyayari kapag nagkita ang fan at idolo.  Peaceful ang paligid, normal lahat ng kilos ng mga tao roon.  Oh, well.  nagsawa na lang siguro ang mga tao roon sa presensiya ng isang sikat na aktor tulad ni Waki. “So, Jazzy, kumusta naman ang buhay-buhay natin ngayon?” mayamaya’y tanong nito.  “Tahimik naman ba ang mga araw mo?  Masaya?  Masigla?  Ma—“ “Masasakal kita kapag hindi ka pa tumahimik.”  Idinuldol niya sa mukha nito ang larawang pinunit niya sa magazine.  “Ayusin mo ito.” “Ano ba iyan?” “You know what it is.” He took the picture and with a smile on his face, he showed it back to her.  “We look good together.  No wonder pinaghahanap ka na ng mga reporters at fans ko.” “I don’t want to hear anything from you.  Ang gusto ko lang, ayusin mo iyang gulong ginawa mo.” “Ano ang magulo rito?”  he looked at the picture once again.  “This seems harmless enough.” “Ayokong ma-associate sa iyo.  Ayusin mo iyan.” “No.” Masama na ang tingin niya rito.  “What did you say?” “Ayokong ayusin ang sinasabi mong dapat kong ayusin.  Wala namang magulo sa nangyayari.  Paranoid ka lang.” Kumuyom ang kanyang mga kamay.  Kung hindi lang niya inaalalang maaaring magalit ang kuya niya kapag pinatulan niya ang isang ito, baka idineklara na itong knockout kanina pa.  She unclenched her fist and calmed her system. “Importante sa trabaho ko ang privacy at pagkakaroon ng low profile,” wika niya.  “Kung magpapatuloy ang nangyayaring ito dahil sa kagagawan mo, hindi lang buhay ko ang malalagay sa panganib kundi pati na rin ang buhay ng kliyente ko.  I’m not asking you to do fix everything.  It is your duty because you’re the one who started this.” Hindi ito nagsalita.  Halatang pinag-iisipan nito nang husto ang susunod sa sasabihin.  Pagkatapos ay ito naman ang matamang nagmasid sa kanya.  Sinalubong niya ang tingin nito subalit habang tumatagal ay nararamdaman niyang tila naiilang na siya.  Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ganito na lang ito kung makatingin sa kanya.  Ang mas ikinaiirita niya ay ang kanyang sarili na hindi niya mapigilang pagmasdan din ang mukhang iyon.   Damn the man for having such a handsome face!   Hindi na siya nakatiis.  “Well?” “I’ll think about it,” sagot nitong nakamasid pa rin sa kanya.  “Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na matapos kitang halikan ay ospital ang kinabagsakan ko.  Alam mo bang hindi pa iyon nangyayari sa akin kahit kailan?” “There’s always a first for everything.” “And I was your first kiss.”  His sexy smile reached his even sexier eyes.  “Right, Jazzy?” Nagkibit lang siya ng balikat.  “Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin.  I just don’t want you messing up my private life.  Ikadena mo ang mga fans mong iyon.  O kaya ikulong mo sila sa hawla at nang hindi sila pagagala sa mga pinupuntahan ko.” “Sinasaktan ka ba nila?” kunot-noo nitong tanong. “Since when did you care?” “Jazzy.”  Umayos na ito ng upo at sumeryoso ang mukha.  “Sinasaktan ka ba nila?” Sumandal siya sa sandalan ng silya niya upang mabigyan ng distansya ang pagitan nila.  Hindi na niya nagugustuhan ang nagiging reaksyon niya kapag lumalapit ito nang husto sa kanya.  Para kasing kinakabahan siya na hindi niya maintindihan.   “Black belter ako sa apat na form of Martial Arts.  No one could hurt me.” He looked relieved.  Hindi tuloy niya maiwasang magtaka.  Nag-aalala ba ito sa kanya?  Mataman na naman siya nitong pinagmasdan. “Puwede bang huwag mo akong tingnan ng ganyan?” aniya.  “Nakakairita na kasi.” “Okay.”  Then he got up and walked towards the door, his forehead still in knot. Natural lang na magtaka siya nang husto.  Napilitan tuloy siyang sundan ito. “Sandali.  Hindi pa tayo tapos mag-usap.” “Next time na lang,” sagot nito nang hindi na siya nililingon pa.  “I have some other things to do.” “Hindi pa tayo tapos mag-usap.” “And I said we could talk next time.  Kung inaalala mo pa rin ang tungkol sa mga pictures na iyon sa magazine, don’t worry about it.  Mamamatay din ang isyung iyon eventually.  Huwag ka masyadong ma-paranoid.” “Hindi ako paranoid.” “Then stop bugging me.” “Ako pa ngayon ang nangungulit?” “Yes.” Hindi talaga siya makapaniwala sa pinagsasasabi ng lalaki.  Idagdag pa isa sa pinakaayawan niya ay ang binabalewala siya.   “Excuse me.  Pero hindi pa tayo tapos mag-usap kaya hindi mo dapat akong tinatalikuran ng ganyan.” “Late.”  Itinaas pa nito ang isang kamay bilang tuluyang pamamaalam sa kanya.  “We’ll talk later.” “And I said we’re not done talking!”  Nanggigigil niyang sinipa ang maliit na batong nadaanan niya.   Malakas na singhap na lang ang narinig bago bumagsak sa sementadong kalsada si Waki nang tumama sa ulo nito maliit na bato.  Dalawang lalaking naka-basketball jersey ang mabilis na lumapit dito upang alamin ang kalagayan nito. “Hey, Waki, wake up.  Huwag kang matulog dito.” “Kapag nasagasaan ka rito, kasalanan mo iyon.”  Ngunit nanatiling walang malay ang binata.  “Patay na yata ito, Drei.” “Tawagin na natin si Matt, Ryu.”   “Pediatrician si Matteo.  Anong alam nun sa panggagamot sa isang mamamatay na?” “Well, what do you suggest, Hotshot?” “Why not call a cop, Big Guy?” Halatang nag-aasaran lang ang mga ito kaya bago pa matuluyan si Waki ay lumapit na siya at idinikit ang kanyang palad malapit sa ilong nito.  Humihinga pa.  Sunod niyang inalam ang tinamaanng maliit na batong sinipa niya.  May bakas ng dugo sa bahaging iyon ng ulo nito. “And who must you be?” Tila hindi na niya narinig ang tanong na iyon ng isa sa dalawang lalaki dahil nakatitig na lang siya sa kanyang kamay na ngayon ay may bakas na rin ng dugo.  Nanlalamig na ang buo niyang pakiramdam. “Miss?  Okay ka lang ba?” “Ryu, anong ginawa riyan?  Namumutla na iyan, ah.” “Shut up, Drei.  Call an ambulance.  Mukhang dalawa na ang pasyente natin…” Iyon na lang ang huling mga salitang narinig niya bago siya nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD