CHAPTER 5

1370 Words
NAGLALAKAD SI Jazzy patungo sa grocery counter matapos makuha ang lahat ng pinamili niya nang marinig ang usapan ng grupo ng mga babae sa may magazine at newspaper stand. “Nakakainis!  Hindi ba’t wala namang girlfriend si Waki?  Siya na mismo ang umamin nun, hindi ba?  Bakit ngayon, may kasama siyang babae rito?  Who is this woman?” Waki?  Ang Waki bang tinutukoy ng mga ito ay ang Waki’ng buwisit ng Calle Pogi? “Kahit ang mga nagsulat ng balitang ito, hindi nila alam kung sino ang babaeng iyan.  Kasi hindi naman daw sumagot si Waki sa mga tanong nila.”  Nanggigigil na itinaas ng babae ang magazine.  “Hindi naman maganda ang babaeng ito kaya siguradong tsismis lang ito.” “Oo nga,” sang-ayon ng pangatlo sa grupo.  “Hindi pumapatol sa hindi magaganda si Waki.  Baka pinsan lang niya iyan.” “O kaya naman, obsessed fan na nang malamang nasa ospital si Waki e pinuntahan niya at inakit.  Alam naman ng lahat na masyadong mabait sa mga babae iyang si Waki, lalo na sa mga fans niya.  Kaya wala tayogn dapat na ipangamba.  May pag-asa pa tayong mapansin ni Papa Waki.” Mukhang nabuhayan nga ng loob ang mga ito dahil nagbubungisngisan at nagtitilian ang mga ito pagkatapos.  Napailing na lang siya.  Ang tatanda na e hindi pa makakilos ng naayon sa edad nila.  Nakakahiya talaga minsan ang mga babae. Inaayos na niya sa counter ang mga pinamili nang mapansin niyang napakunot ang noo ng cashier sa kanya.  “May problema ba?” “May kamukha ka kasi.” “Ha?” “Tama!”  may kinuha itong magazine at ipinakita iyon sa kanya.  “Hindi ba’t ikaw itong nasa cover na kasama ni Waki Antonio?” “Hindi ko alam…”  Parang nanlaki ang kanyang ulo nang makita ang eksakstong eksenang nangyari kahapon nang ipagamot niya sa ospital si… “Waki?” “Ikaw nga iyon!” tili ng babae sa likuran niya.  “Ikaw ‘yung napapabalitang misteryosong babae ngayon sa buhay ni Waki!  I hate you!  Ano ba ang nagustuhan niya sa iyo?  Mas hamak namang mas maganda naman ako sa iyo.” “Mas sexy ako sa iyo!” wika ng isa pang customer na babae.  “Bruha ka!  Inakit mo siguro si Papa Waki, ano?  Alam mong mahina ang puso niya sa mga babae kaya sinamantala mo naman!” “At itiniyempo mo pang naroon ang mga reporters at photographers para nga naman may makakuha ng mga pictures ni Waki na magkasama.” Sunod-sunod ang ginawang panggigisa sa kanya ng mga babaeng naroon, lahat ay may hawak ng magazine o diyaryo na may larawang kuha sa ospital na iyon.  Sumasakit na ang ulo niya sa ingay kaya malakas niyang ibinagsak sa counter ang kanyang kamay upang patahimikin ang mga ito.   “Hindi ko alam kung ano ang mga sinasabi ninyo,” wika niya nang tumahimik ang mga ito.  “Dinala ko lang sa ospital si Waki dahil sabi ng kuya ko.  Wala akong—“ “Siguro gusto ng kuya mong mapangasawa mo si Waki, ano?  Para nga naman sumikat kayo at magkamal ng malaking pera…” Natameme ang nagsasalita nang balingan niya ito.  “Anong sinabi mo?” “M-may…ano…ahm—“ “Huwag,” buong diin niyang wika rito nang itaas niya rito ang kanyang hintuturo.  “Na huwag mong sisiraan ang pangalan ng kuya ko sa harap ko.  Naiintindihan mo?”  She picked up the magazine without looking.  “Ito ba ang ipinanggagalaiti ninyo?  Maninira kayo ng isang malinis na reputasyon dahil lang sa walang kuwentang selos?  Don’t make me laugh.  Ni hindi nga kayo kilala ni Waki pero kung umasta kayo akala nyo pag-aari nyo siya.  Mahiya nga kayo sa mga sarili ninyo.”   “Jazzy, that’s enough.” Mainit pa rin ang ulo niya nang balingan ang nagsalita.  She recognized the guy who was holding a pack of canned beer in his hand.  Si Haru Esteban, isa sa pinakarespetado at pinakamagaling na news and documentary reporter ng bansa.  At kaibigang matalik din ng kanyang Kuya.   “Walang laban ang mga iyan sa iyo, Jazzy.  Kaya palagpasin mo na lang sila.” “Sinabihan nila ng hindi maganda si Kuya Bucho.” “Well, they’re just jealous so what do you expect?”  Binalingan nito ang walang imik pa ring cashier.  “Excuse me.  Puwede bang pakiasikaso na ang mga pinamili niya?  Para hindi natatambak ang mga nakapila sa counter.  Thank you.” Tila doon lang natauhan ang cashier at inasikaso na ang kanyang mga pinamili.  At dahil sikat, ito naman ang pinagkaguluhan ng mga tao roon. “Puwedeng pa-autograph, Haru?  Gustung-gusto kita sa lahat ng tv reporters!” “Pa-picture din ako, Haru!” “Pa-kiss, Haru!” She just rolled up her eyes and turned to her groceries.  Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad ng umalis sa naturang grocery store.  Sira na ang mood niya.  Lintik kasing larawan iyon!  Puwede niyang idemanda ang mga magazine at newspapers na naglabas ng larawang iyon nila ni Waki.  Napahinto siya sa tapat ng kanyang sasakyan. “Waki,” nanggigigil niyang sambit nang maalala ang sinabi nito kahapon nang kuhaan sila ng larawan ng mga photographers.  “Peste!  Mapapaaway pa ako ng wala sa oras nang dahil lang sa kanya?” “Kayo na nga ba talaga ni Joaquin Antonio?” Si Haru iyon.  “Bakit ang bilis mong nakalabas?” “Huh?  Ah, you mean kung bakit walang sumabit na mga tagahanga sa akin paglabas ko roon?  Well, iyan ang ipinagkaiba ng sikat na reporter sa sikat na artista.  Kaming mga reporters, puwedeng mag-inarte nang walang image na maaapektuhan.  Ang mga artista, kapag nag-inarte ay siguradong tapos ang kanilang career.  Kaya ikaw, mag-iingat ka—“ “I’m not an actress.” “But Waki is.” “So?” “Kung sisindakin mo ang mga fans niya, mawawalan siya ng career.” “As if I care.” Tumawa lang ito.  “You haven’t change a bit, Jazzy.  Matindi ka pa rin magsalita.  Pero paano kayong nagkaroon ng ugnayan ni Waki?  Kahit sa panaginip, hindi ko inisip na magtatagpo ang landas ninyong dalawa.” “Kung sana nga ay hindi na lang sana nag-krus ang landas namin.”  ipinasok niya sa passenger seat ang mga pinali at nanggigigil pa rin siya nang isara ang pinto ng sasakyan.  Naalala na naman kasi niya kung paanong nagtagpo ang kapalaran nila ng Waki na iyon.   “Ngayon tuloy ay gusto ko siyang ipako sa krus.”  Nilingon niya ito.  “Paano kayong naging magkakilala ng ugok na iyon?  Respetado ka, ah.  Samantalang ang isang iyon…nevermind.” “Hindi ba nasasabi sa iyo ni Bucho?” “Ang alin?” “Magkakapitbahay kami sa Calle Pogi.” “Taga-Calle Pogi ka rin?” “Yes,” nakangiti nitong sagot.  Inilagay naman nito sa compartment ng black and silver Aprillia superbike nito ang mga pinamili.  “Himala.  Ngayon ka lang yata nahuli sa ganitong klase ng impormasyon.” Napatiim bagang lang siya.  Kasalanan ng Waki na iyon ang lahat!  She should really start her research about that place.  Lalong lalo na sa lalaking iyon… “Jazzy,” untag ni Haru nang isuot nito ang sunglasses at saka sumampa sa motor nito.  “Si Waki dapat ang kinakausap mo tungkol sa larawan ninyong lumabas sa mga magazines at diyaryo.  Walang mangyayari kasi kung papatulan mo ang mga nagseselos niyang mga fans.  Kagagaling ko lang ng Calle Pogi at nakita ko roon si Waki.  Sa tingin ko, wala siyang appointment buong maghapon.  Here’s your chance.” Pag-alis nito ay pinag-isipan niya nang husto ang mga sinabi nito.  Wala nga dahilan para patulan niya ang mga chuwariwariwap girls ni Waki.  Umiinit talaga ang ulo niya sa tuwing maalala ang lalaking iyon. “Humanda ka sa akin, Joaquin Antonio,” sambit niya sa sarili.  “Makikita mo kung sino ang pinaglalaruan mo.” Pagpasok niya ng kotse ay tinawagan niya ang lahat ng mga detectives ng agency nila na walang assignment at binigyan ng utos ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD