Chapter 64

1984 Words

Naging maayos ang operasyon ni Amir at dumating na rin ang hinihintay nila Gio na nakababatang kapatid ng matanda. Madaling na nang makarating sila sa ospital. Tanging si Gio na lamang ang naroon dahil pinauwi na niya sin Connor at ang kasama nilang nurse at ang nagmaneho. Binigyan niya ang tatlo ng bayad na hindi naman nila inaasahan na makatatanggap. Bilang pasalamat daw niya sa kanilang tulong. Hindi na niya sinabi kung gaano siya nagpapasalamat sa kanila dahil ayaw niyang maglabas pa ng mahabang sentimyento. Nang dumating ang kapatid ni Amir at pamangkin na mula pa sa Bukidnon ay mugto na ang mga mata ng dalawa at nang makita nila ang nagpapahingang matanda sa silid nito ay hindi na nila napigilan ang maiyak muli. Masyadong matigas daw ang ulo ng kuya niya. May iniinda na raw kasi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD