Sa isang nature preserved na park naisip ni Giovanni na makipagkita kay Lucy. Huwag n'yo siyang tanungin kung bakit. Mukhang naimpluwensyahan na siya nang husto ni Alessia pagdating sa mga usaping kalikasan. Isa pa'y gusto niyang sa lugar na walang gaanong tao ang nagpupunta kaya iyon ang lugar na naisip niya. Naglakad palapit si Gio sa kaniyang madrasta bitbit ang kaniyang briefcase kung saan nakalagay ang pera na hinihingi ni Lucy kay Amir. Hinahampas silang pareho ng malakas na hangin ngunit sa pakiramdam ni Lucy ay mas malakas ang hangin ang dala ng palapit na binata sa kaniya. Gulat at hindi makapaniwala ito. Hindi niya rin maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan nang husto nang matanaw kung sino ang bumaba sa sasakyang dumating. Maliit pa si Giovanni nang huli niyang naki