Dumaan ang mga minuto at nainip na ang dalawang nasa labas. Kinakagat na sila ng mga lamok at panay na ang hampas sa kanilang mga parte ng katawan kung saan may nangagat. Ilang beses na rin nagpalipat-lipat ng pwesto ang dalawa para lumayo sa malamok na lugar. Marami kasing mga halaman na namumulaklak sa paligid na tiyak doon galing at doon sila naninirahan. Madilim na ang paligid. Kaya naman naglalabasan na sila. May mga paniki na nga ring nagsidaan sa tapat nila upang manghuli ng kanilang makakain. Ang drayber ay nakatayo na sa may kongkretong patio. Papadyak-padyak ng kaniyang mga paa na akala mo'y nagmamartsa para lang hindi siya kapitan ng mga pasaway na lamok. Sa tuwing papadyak siya ay kasamang umaalog ang tiyan niyang may kalakihan. Pati na ang pisngi niyang may kabilugan. Ganoo