Paglabas ni Alessia sa gate at pagkarinig niya ng mahinang click ng lock mula sa kaniyang likuran ay mabilis na siyang naglakad paalis sa kanilang bahay. Nasaktan siya sa mga sinabi ng kaniyang kuya lalo na ang parte kung saan sinabihan siya nitong isa sa siyang sakit ng ulo. Naiiyak siya kanina at gusto niya ring sagutin ang nakatatandang kapatid ngunit mas pinili niyang manahimik na lamang dahil pagod ang kaniyang isipan pati na katawan para nakipagtalo pa sa nakatatandang kapatid. Alam niyang maging ang kuya niya ay ganoon din naman, pagod sa maghapon. Idagdag pang kauuwi lamang nila mula sa conference at problema pa ang sumalubong sa kanilang lahat. "Ayaw ko na lang mag-talk. Kapagod din kasi," kaniyang usal habang naglalakad mag-isa sa gitna ng daan na animo'y baliw na kausap ang sa