Sumunod na araw ay sa opisina na organisasyon na nagkita-kita ang lahat. Maagang dumating si Alessia upang mag-asikaso pa ng mga trabahong naiwan niya dahil nasa rally sila nang nagdaang araw. Pinag-uusapan nila na muling mag-request ng permit ngunit sa kapitolyo na kukuha. May pagdadalawang isip dahil may kutob siyang baka di rin maaprubahan dahil naroon ang malaking kalaban. "Paano ba 'to?" tanong niya sa mga miyembro. Naghihintay ng suhestiyon mula sa kanila ngunit lahat ay napapailing dahil wala rin silang solusyon sa kanilang problema. Pasulyap-sulyap lang si Alessia sa kanila. Titingin sandali at babalik din agad sa ginagawa. May nararamdaman siyang bigat sa dibdib. May paraan sana dahil kapatid niya ang bise ng bayang iyon kaya lang ay nawalan na siya ng ganang lumapit pa da nakat