Inalis na ni Gio ang suot niyang coat na kulay abo at necktie na kulay ginto nang makapasok siya sa helicopter. Halatang init na init. Bumakad na ang kaniyang katawan sa suot na puting longsleeve. Nakasagad ang aircon sa cabin ng helicopter para sa kaniya kaya nang lumapag sila sa malawak na bakuran na kaniyang pagmamay-ari ay tuyo na ang pawis sa kaniyang suot na damit. Nauna siyang bumaba. Bukas ang mga butones ng suot niyang longsleeve na puti at lukot na sa likod dahil sa mahabang minutong nakaupo. Init na init at lagkit na lagkit ang binata. Mahapdi rin ang kaniyang balat sa mukha dahil ilang oras din siyang nabilad sa mainit na sikat ng araw. Hindi niya inasahang nasa open area ang ribbon cutting na pupuntahan niya. Wala na nga sa plano niya ang ganoong klaseng seremonya ngunit na