Hindi alam ni Giovanni kung bakit at kung paano ngunit pakiramdam niya nang mga sandaling nakaupo si Alessia sa tabi niya ay nakadama siya ng kakaibang kapayapaan. Na para bang panandaliang kumalma at tumahimik ang paligid. Alisin mo lang ang katotohanan na binulyawan siya nito at tinatakot sa pamamagitan ng mga katanungan niyang ibinato. Ininsulto siya nito ngunit hindi naman niya magawang magalit dahil alam naman niyang kasalanan niya ngunit kung ibang tao iyon ay baka iniwan na niya sa gitna ng kalsada lalo pa't ang lakas ng boses at ang ingay-ingay sa loob ng sasakyan. Si Patrick na walang kaalam-alam sa trip ng kaniyang amo ay gulong-gulo na ang isip. Nagbago nanaman kasi ang mood ng kaniyang boss na lumungkot ang itsura matapos nilang magsagutan ng kanilang sinadya pang sunduin dal