Habang nakasakay sa sasakyan ng bilyonaryong si Giovanni si Alessia ay halos hindi siya gumagalaw sa kaniyang kinauupuan. Panay ang sulyap sa kaniya ni Gio ngunit hindi niya mahuli itong nakalingon sa kaniya dahil hindi naman talaga ito lumingon ni minsan sa kaniyang katabi kahit isang beses. Nanggigigil ang dalaga sa inis sa binata. Iniisip niya nang mga oras na iyon na pinag-uusapan na siya ng mga iniwan nilang mga kapitbahay niya matapos ng ginawa ng makulit na bilyonaryo roon sa kanilang kalye. Mantakin mo ba namang businahan ka na lang bigla. Bukod sa napakalakas na nga ng busina, matagal pa sa mismong harapan niya. Kahit mga alaga niya sa tiyan kung mayroon man ay magugulantang rin. Hanggang mga oras ngang iyon ay ramdam niya pa ang kirot sa kaloob-looban ng kaniyang natulilig na t