Sinubukang habulin ni Alessia si Gio ngunit hindi na niya nagawang abutan. Nahagip ng mga mata niya kung saang silid ito pumasok at nang nasa tapat naman na siya nito ay bigla naman nablanko ang kaniyang isipan. Hindi niya magawang kumatok. Nanatiling nasa ere ang kaniyang isa braso na nakasara ang kamay. Sinakluban siya ng labis na kaba nang mga oras na iyon. Kay bilis ng kabog sa kaniyang dibdib. Naisip niyang walang magagawa ang pag-pa-panic kaya sinikap niyang mapakalma ang sarili at maya-maya nga ay naalala niya si William na hindi niya naman alam kung nasaan. Hinanap niya ito sa mga silid. Ang una niyang nabuksan ay mistulang tambakan lang. Panay mga kahon na naglalakihan at kung ano-anong mga kasangkapan. Ang sunod na pinto sa kanan ay sarado, ngunit kinatok niya pa rin. Nagb