Alessia's Point of View Mukhang nandiri si Romanov nang bangitin ko ang uod. Mabilis niyang ininspeksyon ang isang pirasong sitaw na hawak niya. Pinaikot-ikot at tinignan taas at baba. Nang masigurong walang sinyales na nagtatagong uod ay roon niya lamang binali gaya nang nakita niyang ginawa ko kanina. Nang marinig ang tunog na nilikha ng nabaling gulay ay para siyang batang tuwang-tuwa sa natuklasan. Nagningning ang kaniyang mga mata at tila ba nakatutuwa ang bagay na iyon sa kaniya. Parang timang na ewan. Para siyang bata na may bagong nadiskubreng bagay. Pakiramdam ko tuloy napakainosente ng loko sa mga simpleng bagay. Tila ba may ibang katauhang nananahan sa loob niya. Kinilabutan ako bahagya. Parang may pagka horror kasi iyong nananahan sa loob ng tao pero ang isang ito ay para