Medyo malayo-layo ang kanilang lalakarin mula sa kubo papunta sa kaniyang glass house. Naroon kasi ang Eurocopter EC 150 ni Gio na kanilang sasakyan sa naisip ng binata na plano. Tahimik siyang nagdadasal na sana maging epektibo dahil kung hindi nakahihiya siya at magmumukha siyang napakadesperado. It took them seven minutes bago narating ang parking space. Nakabukas na high-tech na bubong ng parking lot. Nakasakay na si William at hinihintay na lamang silang dalawa. Todo alalay si Gio kay Alessia. Sa kanilang paglalakad hanggang sa makarating sila. Huminto si Alessia sa paghakbang nang makita ang naghihintay na sasakyan. Hindi pa siya nakasasakay sa kahit anong sasakyang panghimpapawid sa tanang-buhay niya at ang makita ang helicopter ay parang nangatog bigla ang tuhod niya. "Saan t