Alessia's Point of View Hindi ko inaasahan na maririnig mula sa kaniya 'yon. Ni wala pang dalawang linggo mula ng pirmahan ko ang mga nais niyang kondisyon kapalit ng pagsasara ng kaniyang negosyong minahan. Wala akong maisip na sagot o anong tamang reaksyon na ipapakita sa lalaking ito. Napakaseryoso ng mukha niya nang sabihin niya iyon at ako— habang nakatingin sa mga mata niya ay ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko dala ng pagkabigla at dismaya sa kaniyang biglaang pasya. Parang kahapon lang nang mag-offer siya. Siya nga ang atat hindi ba? Ang sakit promise! Ang nauna niyang sinabi ay hindi raw sa ganoong paraan niya ako gustong maging nobya. Malinaw kong nadinig iyon, so ano ito ngayon? May mga bagay pa naman na nagugustuhan ko na sa kaniya o sa madaling sabi nagugustuhan ko na s