Sabay raw kaming mag-almusal sabi ni Romanov. Nagpaalam siyang maliligo lang kaya kinuha ko na rin ng time na 'yon para makapaligo. Paglabas ko ay nadatnan ko siyang namimili ng damit mula sa mga naroon. Nakaroba lang ako nang sandaling iyon kaya halos yakapin ko ang sarili ko. "What do you want to wear from these?" alok niya sa mga hawak niya't nakasampay sa kaliwang braso niya. Ang pinakamahaba ang nakakuha ng atensyon ko. Kulay berde at may may sleeves na di kahabaan. Simpleng Boho print midi dress iyon. Hawak niya at iyon ang kinuha ko. Square neckline at may short-puffed sleeves. Mukhang presko namang suotin. Pants sana ang gusto ko dahil mas komportable akong kumilos kapag pants pero wala e. No choice. Underwears lang ang problema ko. "Here—" aniya sabay abot ng isang shopping