"Mukhang mahihirapan talaga tayo sa pagpapasara ng minahan," untag ni Ginoong Clemente habang nakatayo sa harap ng mga nakaupong miyembro ng organisasyon. May meeting sila ng napakaaga upang pag-usapan ang hakbang na sunod nilang gagawin. Sa presidente na raw galing ang mga order at walang ginawa para sa pagpapahinto o sa naging epekto nito sa mga tao nang may dumaang bagyo bagkus ay tinulungan pa ito upang mas maging maayos ang kanilang operasyon. Gagawan ng sariling daan ang mga truck shortcut papunta sa pabrika kung saan dinadala ang mga minimina nilang nickel. Doon pa lamang ay alam na nilang pabor na pabor ang mataas na opisyal sa minahan ng bilyonaryong binata. Tinanong ni Alessia ang kapatid niya tungkol sa bagay na iyon ngunit ang sabi nito ay wala siyang alam. Nagpababa lamang