Chapter 37

1738 Words

Dalawang linggo na ang lumipas matapos ang bagyo. Magsisimula nang muli ang operasyon ng minahan na sinabayan ng isang malaking protesta ng mga mamamayan. Hinati nila sa dalawa ang protesta. Nasa harapan ng munisipyo ang halos kalahati ng kanilang bilang dala ang mga placard na nakasulat sa malalaking letra upang madaling mabasa. Ang iba ay nasa daan naman. Hinarang ang daan papunta sa minahan. Gumawa sila ng human chain at iyon ang naging barikada nila. Hindi makausad ang kahit isa sa mga truck na papunta sa bundok dahil sa dami ng mga taong nakaharang sa kanilang daraanan. May mga truck din na nabutas ang mga gulong kaya wala silang nagawa kundi gumilid na lamang sa daan. May mga pasaway kasing kabataan na nagkalat ng mga binaluktot na mga malalaking pako sa kalsada at kahit mga pribado

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD