Matapos nang nangyari sa minahan ay hininto muna ang operasyon ng ilang araw. Sinubukang isalba ang makina na malaking parte ang nayupi at nasira. Maging ang walong truck na sumama sa landslide ay kaniyang pinahukay upang maipagawa pa. Iyan ang pinagkaabalahan ni Gio matapos dumaan ang bagyo. Parang nalusaw ang malaking bahagi ng bundok nang umulan at tingay ng tubig ulan ang mga putik pababa. Sa ilog ang bagsak at napunta sa dagat. Naging kulay tsokolate ang kanilang malaking ilog at ang tubig sa dagat ay ganoon rin. Nagalit ang mga tao sa nakabili ng bundok. Sa kaniya nila isinisi ang mataas na baha na babago lang nangyari sa kanilang lugar. Pinasok ng putik ang mga bahay at inabot ng higit dalawang araw ang kanilang paglilinis. Nasa opisina niya lang si Gio habang pinakikilos ang ka