Sakay na ng Eurocopter EC 155 sina Gio at Amir papunta sa Zambales. Madilim ang langit at umaambon na nang sila ay umalis ng Maynila. Medyo alanganin ngunit nagpumilit si Gio at sa awa naman ng Diyos ay nakarating sila sa Zambales nang ligtas. Tinawagan na niya ang mga tauhan niya sa probinsya upang dalhin ang mga gamit na kailangan nila upang i-rescue ang sila Connor sa taas ng bundok. Lumapag sila sa isang open field upang kunin ang mga safety gears, malaking neat na kayang magbuhat ng mga sampung katao at mga lubid. Malakas ang ulan at hangin. Medyo natatakot si William na gawin ang naisip ni Gio na plano ngunit makokonsensya naman siya habang buhay kung hindi niya gagawin ang nais nito at kapag may nangyaring masama sa mga nasa bundok at naghihintay ng kanilang tulong. Nakatali na