Isang maaliwalas na umaga ang bumungad sa mga tao sa probinsiya kinabukasan. Nang bandang tanghali ay nagsimulang kumulimlim at hindi inasahan ng marami ang malakas na ulan sa hapon sa malaking bahagi ng Luzon at sa karatig na mga bayan ng Visayas. Ramdam na ramdam ang bagyong parating na mas bumilis ang usad at dahil sa ulan at malakas na hangin na dala nito. May landslide muli sa minahan at mas malaking parte ng lupa at mga bato ang nag-slide pababa na umabot hanggang sa lugar kung saan nakapwesto ang mga tinatawag ni Giovanni na mga campers. Inanood na ang mapula-pulang putik pababa sa bundok pupunta sa pinakamalapit na ilog at dahil sa malakas na ulan nang hapon na iyon ay marami ang hindi na nakababa sa bundok. Ang bagyo ay pinangalanang Goreng. Ang hangin ay may taglay na lakas n