Alessia's Point of View "Nailikas na raw po mga nakatira roon," singit ko sa kalagitnaan ng aming pulong. Pinag-uusap kasi namin ang pwede namin magawa para sa mga nakatira malapit sa bundok at sinabi ko ang alam ko nang sa ganoon ay sa ibang bagay na matuon ang aming pagpaplano. "Mabuti naman pala– pero teka, sino ang nagsabi sa'yo?" Biglang usisa ni Ma'am Pearl na hindi ko inaasahan. Nasabi ko na kasi noon sa kanila kung tagasaan ako. "A-Ano po, iyong pinsan ko po na taga-Sta Cruz. Siya po nagsabi sa akin kanina," sagot ko habang pilit tumititig sa kaniyang mga mata nang diretso. Lahat kasi sila ay sa akin ang tingin kaya nailang ako nang husto. Baka mamaya madulas ako at masabi ko pang asawa ng kapatid ko nagsabi at kung saan na mapunta ang tanong at malaman nilang kuya ko ang bis