RAN ADRIENNE ROSS __ Napansin ko ang mga sasakyang dumating sa harap ng bahay. Mula sa bintana, simple kong sinilip ang mga taong pumapasok sa loob. They all looked decent. Mukhang malalaking tao ang mga ito. I knew Tyler was waiting for them. Hindi niya sinabi sa akin na may bisita siya pero kanina pa siya abala sa meeting area, kausap niya si Ivan. Hindi ko siya inabala dahil mukhang seryoso iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Port. Tinutok ko iyon sa tainga ko. "Mukhang may darating pa," anito sa kabilang linya. "Gawan mo ng paraan. We need to know what they are going to talk about." "Hindi ka ba puwedeng makapasok?" "You know kapag mga ganitong bagay hindi sinasabi sa akin ni Tyler." "Fine, gagawa ako ng paraan." Binaba ko rin agad ang tawag. Sinadya kong bumab