TYLER ZAVI DEVERAUX __ "Magandang umaga, Tyler," nakangiting bati sa akin ni Yaya Lorna. "Si Yerra po?" agad tanong ko. "Hindi pa bumababa. Mukhang napuyat sa paghihintay sa'yo." Dumiretso ako agad paakyat ng hagdan para puntahan ito sa silid naming dalawa. Madilim pa sa loob dahil nakasara ang kurtina pero nakabukas pa rin ang lampshade na mukhang nakalimutan niyang patayin. Bahagya akong napangiti nang makita ko itong nakahiga sa kama at mahimbing na natutulog. Tuluyan akong lumapit. Pinatay ko ang lampshade nang hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya. Bumaba ako at tinukod ang kamay ko sa kama. Marahan kong hinalikan ang ulunan niya. Muli akong napangiti habang tinitignan ang magandang mukha nito lalo na ang magandang hugis ng ilong niya. I also gently kissed it. Binaba ko pa ang