LAUREN __ "'Nay, they fired you? Bakit ho hindi n'yo sinabi sa akin?" Marahan nitong hinaplos ang kamay ko. "Ayokong bigyan ka ng problema. Naisip ko magbabago din ang isip nila." Naninikip pa rin ang dibdib ko dahil hindi ko matanggal sa isip ko lahat ng sinabi ni Tyxon. "'Nay... can you be honest with me, please? Did you... did you do it?" Hindi ito sumagot agad. Nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang marinig ang sagot. She didn't answer, but she shook her head. "Was it really... Tyler, unintentionally?" Marahan nitong hinaplos ang buhok ko. "Shh... huwag mo nang isipin. Tapos na iyon, hindi ba?" "'Nay... gusto kong malaman kung anong basis ni Tyxon para pagbintangan ka. I just wanna think na he was just being petty, thinking that you could do that jus