TYLER ZAVI DEVERAUX __ "Boss, gising na po," sambit agad ng tauhan nang makababa ako ng sasakyan. Nagpatuloy ako sa paghakbang papunta sa rest house. Nakita ko itong nakaupo sa silya habang nakabigkis ang mga kamay sa likod. Sumandal ako sa mesang nasa harap niya at pinasok ang magkabilang kamay ko sa mga bulsa. Nagkasalubong ang mga mata namin. I guess she wasn't expecting to see me. Mabilis ring nawala ang pagtataka sa mukha niya. Napansin ko rin agad ang maliit na cut sa gilid ng noo niya. Sumenyas akong tanggalin ang tali sa kamay niya. She still looked sleepy marahil sa pampatulog na tumama sa kaniya. Sinundan ko nang tingin ang pulso niya na marahan niyang pinisil. Namumula sa ang mga iyon. Mukhang masyadong mahigpit ang pagkakatali. I again looked at her. "Yerra Del Valle,