RAN ADRIENNE ROSS __ Pinakawalan ako ng tauhan ni Tyler nang maiabot ni Tyxon ang pera. He embraced me like he was scared of losing me. Narinig kong naghabulan ng baril ang tauhan nilang dalawa, but I was certain na makatakas din sila knowing na tauhan din ni Tyler ang kasama ni Tyxon. He was just really getting played. Dinala niya agad ako sa likod ng sasakyan. "What did they do to you?" tanong nito habang tinitingnan ang mga sugat ko. "I'm fine now. You did worse." Huminto ito at tumingin sa mga mata ko nang may pag-aalala pa rin. Diretso akong tumingin sa daan like nothing happened. Naramdaman ko na lang ang pagdapo ng palad niya sa kamay ko. He didn't say anything more. Hinaplos niya iyon hanggang sa makauwi kami ng mansion. Niyakap ako nang mahigpit ni Yaya Lorna. She showed