CHAPTER 46

2104 Words

Hindi makahuma sa kanyang kinatatayuan si Janel habang sa muli ay dahan-dahan nang humakbang palapit sa kanya si Lucas. Ang mga mata nito ay nanatiling nakatitig sa kanyang malaking tiyan. Kapwa sila ni hindi makapagsalita dahil sa kabiglaang nadarama. Hanggang sa ilang saglit ay natagpuan niya ang kanyang tinig. "L-Lucas..." sambit niya sa halos pabulong na paraan. Mahina lamang ang pagkakabanggit niya sa pangalan nito ngunit sapat iyon upang mapatayo na rin si Dexter at mapatitig sa kanyang asawa. Dahil sa naikwento niya sa mga ito ang lahat-lahat tungkol sa mga nangyari ay alam din ng mga ito ang pangalan ng ama ng kanyang dinadala. At alam niya na kahit wala pa siyang sabihin ay alam na ni Dexter ngayon kung sino ang lalaking nasa harapan nila. "Ano ang ginagawa mo dito? At bakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD