CHAPTER 45

2136 Words

Malayang pinagmamasdan ni Janel ang mga pananim na nasa kanyang harapan. Marami siyang nakikitang mga namumulaklak na halaman. Iba't iba ang mga naroon at napakagandang pagmasdan. Ngunit wala talaga roon ang pansin ni Janel. Nakatitig siya sa mga halaman ngunit ang kanyang isipan ay malayo ang nilalakbay. Ilang buwan na ang mabilis na lumipas. Kay rami na ang mga nangyari ngunit hanggang ngayon ay waring hindi pa rin nakakabangon si Janel mula sa lahat ng mga pinagdaanan niya. Sa bawat araw na lumilipas ay lagi pa ring laman ng isipan niya ang mga bagay na nangyari sa buhay niya--- ang pagtira niya nang mag-isa sa Kamaynilaan, ang mga bagay na sadyang pinagawa sa kanya ng Mommy Krystal niya, ang aksidenteng kinasangkutan ni Mr. Olvidares at higit sa lahat ay ang makilala niya si Lucas...

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD