TULOY-TULOY na naglakad si Lucas palapit sa kanyang sasakyan pagkababa niya mula sa kanyang condo unit. Naging sa kanya ang unit na iyon nang tumuntong siya ng dalawampu't isang taon gulang. Sa ngayon ay kapwa na sila ng pinsan niyang si Gael na may condo na pag-aari. But despite owning one, he still lives with his parents. Sa mga pagkakataon na nais niya lang mapag-isa umuuwi sa naturang unit. Sa kabila niyon ay regular pa rin ang pagpapalinis niya at ang pagpapalagay ng mga stocks. Kaya naman malakas ang loob niyang iwan roon si Janel dahil alam niya na may mga magagamit ito. Pumasok na siya sa may driver's seat at hindi maiwasang maikuyom ang kanyang mga kamay sa may manibela nito. Umigting din ang kanyang mukha habang nakaharap lamang sa unahan ng sasakyan. He went out of control a