Agad na iniikot ni Janel ang kanyang paningin sa loob ng condo unit ni Lucas. Matatagpuan ang unit nito sa ika-apat na palapag ng gusaling iyon sa may Makati City. Mula nga sa kanyang apartment ay bumiyahe ulit sila patungo sa lugar na iyon. Hindi sila nagtagal sa kanyang tinitirhan at agad din na umalis. Dahil nga sa balak niyang magtungo sa probinsiya nina Edna ay nakasilid na sa kanyang bag ang mga damit at ilang personal niyang gamit. Ni hindi na niya iyon inalis pa roon matapos nilang mag-usap ni Lucas, dahilan para mabilis din siyang nakalabas at sumakay ulit sa sasakyan nito. Kung iisipin ay kay dali lamang para sa kanya na ituloy ang pagpunta sa Tarlac. Iniwan siya ni Lucas kagabi at hindi siya nito mapipigilan kung aalis man siya. But he has warned her not to leave. At natagpuan