Sandaling Katahimikan ang namagitan samin ni Calvin. Hindi ko siyang kayang pagmasdan ng matagal. Tingin ko nga ay hindi ko pa siyang kayang harapin. Nanunubig na naman ang aking mga mata. At alam ko any moment ay hindi ko na mapipigilan ang sarili.
“Zhaira..” I miss his sweet voice and How he calls my name.
Ilang taon man ang lumipas na hindi kami nag-kita at nag-kasama. Hindi maialis sa alaala ko na minahal ko ang taong kaharap ko ngayun. He was my First Love and I thought he was the one for me. That I Fated To Love him and he was Fated to Love me no matter what happened between us. The Love and Kiss we shared together. His Tight Hug when ever I need one. How he Spoiled me, Get everything I don't even need. I always depend on him. Calvin is everything I need. Wala ng iba pa.
Ang masakit sakin bakit ako na lang ang natitirang nag-mamahal mag-isa? I thought we are one. Bakit ako pa din ang mag-isang lumalaban sa pagmamahalan namin na pareho naming sinimulan. Nakakatawang pagmasdan na dati ay mahal na mahal namin ang isa't-isa ngayun ang dami ng nag-bago.
Dahan-dahan ang ginawang pag-hakbang ni Calvin. Hanggang sa nasa harapan ko na siya. Gusto ko siyang pag-masdan. Parang katulad ng dati, na kahit sa paraan ng magkahawak kamay namin ay alam niya at ramdan niya na kung gaano ko siya kamahal.
It's so painful to see how things get worse and the beautiful memories together turns into hatred. Tumingala ako para pigilan ang pagtulo ng luha ko.
And in the second Time he called my Name. I don't have a time to respond, Nangingibabaw sakin yung respeto na alam ko na hindi niya deserve. Ayokong bumuka ang bibig ko at pareho lang kaming masaktan. I still have that pain while looking at him. Kung pwede nga lang ay I don't have courage to stand beside him or even faced him sa dami ng kasalanan niya sakin. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdam ngayun na kasama ko siya.
Miss ko siya at ‘yun ang totoo.
“Anong kailangan mo?” I said with a hint of coldness.
Sinubukan ni Calvin na hawakan ang kamay ko. Agad ko inilayo ang sarili sa kaniya. Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nabigla siya. I'm not that woman anymore. Kung dati ay Hinahayaan ko lang siya sa gusto niyang gawain sakin pero ngayun ay hindi na. I need to set boundaries samin lalo na ngayun na may iba na siya.
“Please let's talk. Ang dami kong gustong sabihin sa'yo.” Pakiusap niya.
Hindi ko na mapigilan ang sarili. I looked at him in his eyes. Nagulat ako dahil hindi ko inaakala na isang Calvin ang Naluluha sa harapan ko.
Hindi ako nagpatinag at Buo ang loob na pinagmasdan siya..
“Ano pa ang dapat nating pag-usapan. Hindi ba wala ng tayo. So ano pa ang use na mag-usap tayo in the first place malinaw na sakin ang lahat.” Ani ko. Nakikita ko na frustated na si Calvin.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Ngumiwi ako sa sakit sa higpit ba naman ng hawak niya sakin.
“Ano ba Calvin bitawan mo ako!” Malakas kong sigaw sa kaniya. Hindi nagpatinag si Calvin. He forcefully Kiss me in the lips. Hindi pa siya nakuntento he bite my lips just to successfully open my mouth. Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sakin.
I gather all my strength to push him away from me. While I catching my breath because of lack of oxygen. I glared at him.
“UMALIS KA NA CALVIN!” Malakas kong sigaw sa kaniya. Tila natauhan naman si Calvin kaya agad itong lumapit sakin.
“Zhaira, I'm Sorry..” Pag-hingi nito ng tawad. Nag-siunang tumulo ang luha ko.
Alam ko sa sarili na namiss ko ang paghalik niya sakin pero hindi sa ganitong paraan. Hindi yung ipipilit niya ang sarili sakin. It's not the same anymore. Kung dati kinikilig pa ako while kissing him now, Parang kinakawawa ko na ang sarili. Wala na yung Care at Love sa paghalik ni Calvin sakin.
“Zhaira, I'm really sorry. Please forgive me.” Pakiusap ni Calvin. Umiiyak ako until I break down. Agad akong niyakap ni Calvin. Yung sakit, Pagkamiss sa kaniya. Nag-halo-halo na. Hindi ko na alam ang dapat kong isipin pa.
Hinarap ako ni Calvin sa kaniya. Pinunasan niya ang luha ko.
“It's hard for me seeing you crying in front of me. Please Zhaira, stop crying.” He allured me. Mas lalong lumakas ang iyak ko. Para akong bata na inagawan ng Candy.
He patt my back while hugging me. Hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Until the next thing I knew I passed out. Calvin carried me into my office.
He slowly put me in the sofa.
Nagising na lang ako na nasa tabi ko si Calvin while holding my hand. Habang pinapasadahan ko siya ng tingin. Hindi pa din nagbabago ang itsura nito. He still the Calvin I knew. Hindi ko mapigilan ang sariling Hawakan ang mukha niya.
Etong taong ito ang sobra kong Minahal. Muling tumulo ang luha ko. Sobrang miss na miss ko na siya. Bakit naging complicated na ang lahat samin.
Bakit kami umabot sa ganito. Ramdam ko pa din na may feelings sakin si Calvin o sadyang hindi ko lang matanggap na tapos na ang lahat samin.
“Mahal na mahal kita Calvin. Bakit mo ako nagawang saktan ng ganito. Ano bang mali sakin, bakit nagawa mo akong ipagpalit.” Umiiyak kong sabi. Tulog pa din sa tabi ko si Calvin. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang hikbing gustong kumawala.
Kahit ilang beses ko ipaalala sa sarili na baka sa huli sakin pa din siya babalik. Ngayun, parang nawawalan na ako ng pag-asa.
Gusto kong namnamin ang oras na kasama ko siya. Baka kinabukasan, Balik na kami sa dati. Yung wala ng pakialam pa sa isa't-isa.
Pinikit ko na lang ang mga mata while Calvin Push me closer to him. Hinihiling ko na sana hindi na lang matapos pa ang sandaling ito.
Nagising ako na mag-isa na lang sa Office. Ni anino ni Calvin ay hindi ko na nakita pa. Baka umalis na siya at pinuntahan ang babae niya.
Tumayo na ako at chineck ang phone ko. Ang dami palang missed calls na galing kay Calvin. I off my phone and leave my office. Naabutan ko si Timmy na nasa labas ng Kitchen. Pinasadahan ako ng tingin ni Timmy at agad na lumapit sakin.
“Chef Zhai, Mabuti at gising ka na. Nag-alala kami sayo kasi sabi ni Sir Calvin nahimatay ka raw habang nag-uusap kayo.” Pag-kwento nito. Hinilot ko ang sintido.
Hindi naman kami totally naka pag-usap ng maayos ni Calvin. It's more on pagtaboy ko sa kaniya at ang pag break down ko sa harap niya. Nahihirapan kasi ako na hindi ipakita yung nararamdaman ko that time.
Ayoko din marinig ang rason niya. Mga paliwanag kasi siya na ang nag-tapos ng relasyon namin. Kung tutuosin, Hindi ko kasalanan pero wala eh. Ganun talaga kapag nag-mamahal ka. Kahit nasasaktan ka na, Willing ka pa din makita ang taong nanakit sayo.
Mabuti na lang at wala na si Calvin. Gusto kong iclear itong isip ko. Halos lately siya na lang ang laging iniisip ko.
Nacurious naman ako sa gustong sabihin sakin ni Calvin. Ano yung gusto niyang ipaliwanag sakin. Baka gusto niya na maging part ako ng magiging wedding nila ni Patricia kaya ba siya nag-punta dto. Kaya ba kinausap ako ni Patricia na makipag-ayos kay Calvin para maging part ako ng wedding nila. It's because i'm one of his closes friends. Baka ganun nga.
“Chef zhai, Nandito si Sir Jacob.” Nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Eufi kasama si Jacob. Ngumiti sakin si Jacob dahilan para mawala panandalian ang gumugulo sa isip ko.
Nagpunta kami sa Mini Garden nitong Cafe. Dalawa lang kami ni Jacob.
“Zhaira..” Nagulat ako sa biglang pag-lapit sakin ni Jacob. Bahagya akong lumayo sa kaniya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya.. Napansin na siguro niya ang itsura ko.
“Nagpunta ba siya dito?” Seryoso nitong tanong. Tumango ako bilang tugon. Naupo si Jacob at nagpakawala ng buntong hininga.
“Siya lang ang nakakagawang paiyakin ka. May ginawa ba siya sayo?” Umiling ako bilang tugon.
“Dapat ba na kausapin ko na siya?” Tumingala ako para tignan si Jacob.
“Hindi na kailangan pa Jacob. Tyaka may kanya-kanya na kaming buhay. Wala ng dahilan pa para kausapin mo siya.” Sagot ko.
Wala ng nagawa pa si Jacob. He respect my decision. Hindi siya pwedeng makialam not until I gave him my permission. Malaki ang respeto ni Jacob sakin kaya kahit masakit sa kaniya na makita akong ganito dahil kay Calvin iniintindi na lang niya.
Kung hindi ganito kalalim ang pagmamahal ko kay Calvin. Sana si Jacob na lang ang minahal ko. Baka ngayun ay masaya ako.