“CHEERS! GUYS!” Masaya kong sigaw. Agad kong nilaklak ang alak na hawak ko. Nanuyot sa lalamunan ko ang pait at tamis ng alak. Tingin ko nga ay tinamaan na ako ng kalasingan.
I'm in the Bar right now. Pagmamay-ari ni Tito Marcus. Kasama ko ngayun si Jacob na ngayun ay hindi ko alam kung nasan na napadpad. Hindi ako nag-iisa rito. Marco is here with me and ofcourse my Brother. Si Marco na ang nagma-manage ngayun ng business ni Tito Marcus kaya nandito siya kasama namin.
As expected, Hindi ako pababayaan ng kapatid ko. Alam ko na tinawagan ni Marco si Samuel para Ihatid ako pauwi. Kaso ayoko pa, ramdam ko pa din yung sakit kaya kahit anong pigil sakin ni Samuel at Marco hindi ako nakikinig sa kanila.
“Ate, will you please stop drinking. Let's go Home. Hinahanap ka na ni Dad at Zhaidhenne.” Aniya sakin.
kwinelyuhan ko si Samuel na nasa harapan ko.
“Pwede ba Samuel Matanda na ako. I'm not a kid anymore. Tyaka ako ang Ate mo kaya makinig ka sakin. I'm not going home until this pain gone!” Sabi ko sabay lagay ng kaliwang kamay sa bandang dibdib ko. Natahimik naman si Samuel at umiling. Binitawan ko na siya at bahagyang tinulak palayo sakin. Uminom ako ng uminom hanggang sa tingin ko ay hindi ko na kaya.
Nahilo ako kaya nirest ko muna ang ulo at pumikit. Biglang nanariwa sa isip ko ang sinabi ni Patricia.
“Ano bang mali sakin.” Nag-simulang tumulo ang luha ko. Humarap ako sa dalawang kasama ko.
“Ate please stop Crying. Mabuti pa na umuwi na tayo.” Pinahid ni Samuel ang luha ko. I can't help but to smiled at him.
I have a caring brother and I know right now my family is worrying about me. I'm not usually like this. Hindi nga ako sanay na uminom ngayun lang ako nag-aya. Sadyang nasaktan lang ako sa nalaman ko kaya ako naging ganito. Hindi naman nila ako masisi dahil nasasaktan nga ako.
Naiisip ko tuloy na sana di na lang sila bumalik rito kung ganito lang din ang ipaparamdam nila sakin.
Kailangan ko na ba baguhin ang sarili ko? Kung ‘yun lang ang paraan para maibsan itong sakit nararamdaman ko then why not.
Tinulungan ako ni Samuel at inalalayan. Hanggang sa makarating kami ng kotse niya. Matapos niyang makitang okay na ako ay nag-paalam na siya kay Marco.
Pikit ang matang pinakiramdaman ko si Samuel. Nag-simula na siyang mag-drive.
Pinagmasdan ko si Samuel. Maswerte ako dahil may pamilya ako na kahit kailan ay hindi ako iniwan. Lagi nilang priority yung feelings ko. Alam kasi nila lahat ng pinagdaanan ko. Kung bakit hanggang ngayun ay nakukuha ko pa din ngumiti at mabuhay ng parang dinadalang problema.
“Samuel, Sorry..” Panimula ko. Sumulyap sakin si Samuel. Ngumiti siya dahilan para medyo gumaan pakiramdam ko.
“It's okay ate. Don't ever think that your a burden to me or even to our Family. You're my Sister and it's my job to take care of you.” He sincerely said.
Muling nanubig ang gilid ng mga mata. Muling nagbabadyang umiyak. Hindi ko mapigilan dahil ba ito sa kalasingan?
“Ate, Please don't think too much. We're here for you okay. Hindi ka namin iiwan. Kung ano man ang pinagdadaanan mo. Lagi lang kami nandito para sayo.” Seryoso nitong ani. Bahagya akong natawa.
“Salamat My baby brother.” Samuel just smiled at me.
“I'm always your Baby Brother no matter what. Just call me what ever you want ate. Basta makita lang kitang masaya.” Ginulo ko ang buhok ni Samuel. Kahit kailan talaga itong kapatid ko. Sobrang lambing pa din sakin kahit binata na. Kahit kung minsan ay nag-aaway kami nito. Family first talaga when it comes to any problem na kinakaharap namin.
Nahimasmasan na ako ng makarating kami sa house. Hindi na ako nagulat ng unang sumalubong sakin ay si Mommy na Puno ng pag-aalala para sakin. I assure them na okay lang ako.
“Iha, bakit ka nag-lasing? what do you want? Just tell me anak.” Nahiga na ako sa bed ko. Ang daming sinasabi si Mommy pero hindi ako sumagot.
Si Daddy naman ay pinagmamasdan kami even Zhaidhenne.
“Mom please, I'm fine okay. Just relax and leave me alone. Hindi na ako bata. I'm an adult, Kaya normal lang na uminom ako kahit kailan ko gustuhin.” Sagot ko. Hindi kasi siya kuntento sa kahit na anong sabihin ko.
“Sam, Iwan na natin si Zhaira. Just like what she said. She's fine and she need a rest.” Sumabat na si Dad. Wala ng nagawa si Mommy.
“Fine, Kapag need mo kami anak. Tawagin mo lang kami okay?” Pinikit ko na ang mga mata. Napabuntong hininga na lang si Mommy sa gilid ko. Tumayo na siya at lumabas na sa room ko.
Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang picture frame sa gilid ng bed ko. It's a Happy Picture of a two Children Holding hands together.
“Kung pwede lang na ganito pa din tayo pero hindi na pwede pa.” Tumulo ang luha ko.
Hanggang kailan ko ba iindahin ito.
Malakas kong binato ang Picture Frame sa wall. Habang Hindi matigil sa pag-iyak. Kung maibabalik ko lang ang lahat sa dati. Hihilingin ko na sana hindi na lang ako nag-mahal ng isang Calvin Delos Santos.
Nagulat ako sa biglang pag-ring ng phone ko. Nakita ko na si Calvin ang tumatawag.
Inaccept ko ang call. Tanga na kung tanga pero gusto kong marinig ang boses niya.
“Zhaira..” Panimula niya. Pinigilan ko ang sariling gumawa ng tunog habang pinapakinggan siya.
“It's okay if your not talking to me just let me hear okay. It's not what you think it is. We're not getting-” I cut him off.
“Calvin just f**k off. I have a tiring day. Pwede ba tigilan mo na ako. I don't need explanation coming from you. Hindi na tayo at kahit kailan hindi na maibabalik ng sorry mo lahat ng sakit na pinaramdam mo sakin.” Galit kong sigaw sa kaniya. Nanginginig sa galit ang buong katawan ko. Gusto ko siyang saktan para man lang maibsan tong sakit. Kahit ganun ay naisip ko pa din na useless lang dahil wala ng maaayos pa.
Nahiga akong muli at umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog sa sobrang pagod.
Nagising na lang ako na masakit ang ulo. Hinilot ko ang sintido at Bumangon na.
“Anak, Breakfast is ready.” Masayang mukha ni Mommy ang naabutan ko sa Dinning Area. I show her my sweet smile.
Dali-dali akong Yumakap kay mommy. Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Mommy. Hinarap niya ako sa kanya.
“Do you feel better now anak?” Marahan akong tumango sa tanong ni Mommy. Inalalayan niya ako sa pag-upo. Inasikaso ako ni Mommy na parang bata pa din ang tingin niya sakin.
“Mom, Just let me do it. Maupo ka na para may kasabay akong kumain.” Sabi ko.
As usual, hindi ako tinigilan ni Mommy sa Dami nitong Tanong. Hindi ako nag-lihim kay Mommy lahat ng gusto niyang malaman ay sinabi ko sa kaniya.
Hanggang sa Dumating si Daddy. Naglalambing na yumakap si Mommy kay Dad.
Nag-kunwari akong umubo. At sabay silang napatingin sakin. Hindi ko tuloy maialis ang ngiti sa labi.
Kahit matanda na ang parents ko ay sobrang sweet pa din sila sa isa't-isa. I just wish na kung dumating din yung Right Man para sakin ay magiging sobrang saya ko.
Meron pa din akong hang-over pero pinilit ko pa din ang sariling pumunta sa Cafe. Ayaw sana ako payagan ni Mommy pero nag-pumilit ako.
Ayokong mag-kulong sa sarili kong room. Mababaliw lang ako sa kakaisip. Mas mabuti na yung Maging busy ako sa Cafe atleast doon ay nagagawa ko pa din ang part ko as an owner. Nadi-divert yung attention ko kapag may nakikita at nakakasalamuha akong mga tao.
Kahit papaano ay napapagaan yung pakiramdam ko.
Nakarating na ako sa Cafe. As expected, Sobrang busy ng Cafe today. Dumaretso ako sa Office ko at hindi rin ako tumagal dahil nag-bake ako ng Cakes. Ang daming orders today na kailangan gawin.
Habang busy ako biglang sumulpot si Timmy na nag-aalangan pang lumapit sakin. Sinulyapan ko siya.
“May kailangan ka ba Timmy?” Tanong ko.
“Chef Zhai, May naghahanap sayo.” Tumaas ang isang kilay ko.
“Sino raw?” Biglang sumulpot ang taong ayaw kong makita.
“Ako Zhaira..” Aniya. Napatigil ako sa pag-lagay ng icing sa Cake. Hindi ko nga namalayan na nabitawan ko na ang hawak ko.