KAITO NAPATINGIN ako kay mommy habang pabalik-balik siya ngayon sa walk-in closet namin. Nakita kong pagpalit niya ng kanyang suot na damit at muling huhuburin kapag hindi niya nagustuhan. Ano bang nangyayari sa kanya? Nahawaan na talaga siya ni Collete. “Mommy, are you okay? Kanina pa kitang napapansin na papalit-palit ang suot. Saan ka ba pupunta today? At, hindi ka mapakali?” pagtatanong ko sa kanya habang karga ang isa sa Triplets namin, Bien. Sa kanilang tatlo, siya ang bugnutin. Kanino pa ba siya magmamana, sa daddy niyang bugnutin rin, si Benedict. Tinignan niya ako at muling bumalik sa pagtingin sa mga damit niya. “Mommy, saan ba ang lakad mo today? Bihis na bihis ka,” pagtatanong ko ulit sa kanya habang karga pa rin si Bien. Hindi na siya umiiyak pero ayaw magpababa. Itapon ko