KIRBY “M-mommy! Si Bien aaway ako!” Nataranta ako nang marinig ang palahaw ng isa naming Triplets. Tumakbo ako palapit sa kanila. Wala ang mommy nila dahil na sa kabilang room at inaalagaan ang twin daughter namin. “Killo, donʼt shout!” malakas na sabi ko sa kanila nang makapasok ako sa room nilang tatlo. Nakita ko ang masamang tinginan nina Bien and Killo sa isaʼt isa, habang ang isa naman nilang kapatid ay pinapanood lamang sila habang natutuwa. “Hey, Kaxus, walang nakakatuwa ngayon! Nag-aaway na itong dalawang kapatid mo, hindi mo man lang awatin!” sabi ko sa kanya Ngumisi lamang siya sa akin. “Dad, donʼt be mad, okay? Naglalambingan lang sina Bien and Killo!” katwiran pa niyang sabi sa akin. “Naglalambingan? Isumbong ko kaya kayo sa mommy niyo ngayon, ha?” sabi ko sa kanila at n