CALLONʼS KARARATING ko lamang sa office at hinihintay kong dumating ang secretary ko para ibigay sa akin ang dapat kong basahin, pirmahan at pag-aralan na business contract ng mga business investor and partners namin ni dad. Hindi ko na naman naabutan si Frances kanina, may ibibigay rin ako sa kanyang sling bag na pina-customized ko pa galing ibang bansa. Pina-customized ko ang baby face niya sa bag na galing sa Japan at hindi lamang iyon dahil nagpagawa rin ako ng malaking picture frame for that para maramdaman niyang mahal ko siya as my twin and belong siya sa family ng mga Miranda. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti once na makita ko ang reaksyon niya mamaya sa ibibigay kong gift sa kanya. Ibi-video ko ang reaksyon niya later. Nawala ang pagkangiti ko nang makita ko ang phone kong