NAKITA ko ang oras, malapit na mag-alas otso ng gabi kaya pumasok na ako ulit sa bathroom pero bago pa ako pumasok sa loob ay tinignan ko ang tatlo. “Hey, mag-asikaso na rin po kayo, ha?” sabi ko sa kanilang tatlo. “Dapat paglabas ko ay nakaayos na rin kayo!” dagdag na sabi ko sa kanila. Tumuwid nang pagkakatayo ang tatlo at sumaludo sa akin. “Of course, baby! We are!” sabay-sabay nilang sabi sa akin kaya tumango ako sa kanilang tatlo at saka na rin ako pumasok sa loob ng bathroom. Niyaya kasi kami nila Collete kanina na pumunta sa night party kaya pupunta kaming apat, sayang naman kung hindi namin ma-e-experience. Hindi naman ako makatanggi dahil nakita ko ang cute na mukha ni Collete kaya pumayag na ako. At, baka ma-guilty siya dahil sa nangyari kanina, baka sabihin niya ay may galit