NATAPOS ang lunch break namin na hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Francine kanina. Hindi na ako mapakali na itanong sa tatlo ang magiging ganap namin sa Valentines day. Isang linggo na lamang kasi ay mismong na araw na ng puso. Kaya hindi na rin ako makapaghintay at maging ang ibang classmates namin, mismong campus nga namin ay hindi na rin makapaghintay, may iilang puso na ang naka-decor sa paligid. “Hoy, Frances, nagmamadaling umalis! Nandʼyan na ang sundo mo, ano?” Napatingin ako kay Francine na may malaking ngisi sa kanyang labi. Tumango ako sa kanyang sinabi. “Um, yes, n-nandʼyan na sila. Naka-receive na ako ng text message mula sa kanila ngayon-ngayon lang. Kaya alis na ako, ha? Mauuna na akong umalis!” nakangiting sabi ko sa kanila at kumaway na. Sinukbit ko na a