NAPANGITI ako nang malaki nang matapos kaming lumibot sa buong paligid ng Disneyland Hong Kong. Nandito na kami sa gilid ng daan at hinihintay ang parada. Mayroʼn din pala rito katulad sa may Japan. Maghintay lang kami na mag-alas siyete ng gabi at nakita na namin ang pagparada nila. Panay kaway ko sa kanilang lahat at dama kong pini-picture-an ako ni Kirby sa gilid. “Si Winnie the Pooh!” sabi ko sa kanila at tinuro iyon. Ang cute niya! Nakita ko rin ang mga Disney princess lalo na ang favorite kong si Snow White, siya talaga ang favorite ko sa lahat. Nakilala ko siya noong nakapanood ako ng isang live action movie niya sa karinderya nila aling Florida, doon ko siya unang nagustuhan. Kumaway ako sa kanya at hindi ko inaasahan na lalapitan niya ako at binigyan niya pa akong flowers. “