CHAPTER 67: Eternal Life

2435 Words

NAGISING akong sobrang puti ng aking paligid. Wala akong makita at tanging puti lamang ang nakikita ng aking mga mata. “N-nasaan ako?” pagtatanong ko sa aking sarili at nakita ko ang aking damit na kulay puti na rin, wala na ang suot kong uniform kanina. Ang aking paa ay walang sapin at ang nilalakaran ko ay tanging puti lamang din. Nasaan ba ako? Lumakad ako kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Lumakad lamang ang aking mga paa kahit hindi ko sigurado kung ano itong tinatahak ko ngayon. Napatigil ako nang may makita sa aking harapan na isang malaking pinto. Sobrang puti iyon katulad na lamang ng nakikita ko ngayon. Nagulat ako nang unti-unting bumukas ang pintong iyon at doon ay nakita ko ang aking sarili kanina. Nanlalaki ang mga mata ko sa aking napapanood ngayon. Napapiki

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD