ISANG araw na akong nagpapahinga at tanging sila mommy and Triplets lamang ang dumadalaw sa akin. Talagang inassure nilang maayos na ang buong katawan ko at maging ang vital signs ko. “Twin, si Collete gusto kang makausap!” malakas na sabi ni Callon sa akin, kadarating lamang niya ngayon dahil galing siya sa work. Ang kasama ko si Benedict. Si mommy kasi ay pinauwi ko muna kanina para tignan si Collete, nagpapagaling pa rin kasi siya sa bahay namin and pinapagaling ang mga sugat niya sa kanyang likod hita. “Ate Frances!” malakas na tawag niya sa pangalan ko. “O-okay lang po ba talaga kayo? I-iyong sugat mo, hindi na ba masakit?” pagtatanong niya sa akin habang ang kanyang mga mata ay nangingilid na. “Hey, Collete, maayos na talaga ako. Wala na akong sakit na nararamdaman. Nililinisan di