ANG DAMI kong pinagdaanan. Simula bata ako ay minulat ko na ang aking sarili na ganito na ang magiging buhay ko, ang mamuhay sa lansangan hanggang sa pagtanda ko pero may iba pa lang plano si God para sa akin. Dahil sa pagmulat ko ng aking mga mata ay nagbago ang ikot ng mundo ko. Akala ko ay mananatili lamang ako sa mundo ng lansangan, iyon pala ay maibabalik ako sa pinagmulan ako. Sa mga magulang ko na sobra akong pinahahalagahan. Napangiti ako nang makita ang aking uniform sa huling pagkakataon. Huli na itong maisusuot ko siya dahil next week ay ga-graduate na kami sa aming kolehiyo days. Hindi ko nga namalayang sobrang bilis ng takbo ng panahon. Hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang nangyari sa akin, sa pagkidnap sa akin ng Nathalie na iyon na muntik ko ng maging kamatayan. Akala k