NAKARATING na rin kami sa PICC kung saan gaganapin ang graduation namin. Nahirapan pa nga kami maghanap ng parking lot dahil sa sobrang daming tao na, mabuti na lamang ay may nakita pa si Benedict kaya nakaparada na rin kami. “Baby ko, nandito na ba sila Francine?” pagtatanong ni Benedict sa akin. Nasa tapat na kami ng PICC, hindi pa kami pumapasok dahil hindi pa naman namin oras. May naunang courses kasi sa amin na grumaduate, second batch na kami. Hindi naman kasi kami kaya lahat i-okupa kaya by batches ang ginawa. “Um, nandito na raw sila, loves.” sagot ko sa kanya habang ang tingin ko ay nasa phone ko. Nag-re-reply kasi ako sa groupchat naming pito. Sinama na namin sina Alexander and Cohen. “Baby girl, suotin mo na itong toga mo para mamaya ay hindi ka magahol,” sabi ni mommy sa a