ILANG minuto ang nakalipas nang makarinig kami nang malalakas na ingay mula sa building ng auditorium. Napatayo kaming lahat at hinihintay kung sinong lalabas doon, nakita namin sila Francine habang hawak nila ang magkabilang kamay ni Carmella. “Hey, ano ba ang kasalanan ko sa inyo, ha? Nanonood ako ng fan meet ni Kirby! Idedemanda ko kayo dahil sa physical abuse! Sinabunutan at pinahiya niyo ko.sa maraming tao!” malakas na sabi ni Carmella. “Boba! Deserve mo iyon, ano! Kung hindi kami makakanood, hindi ka rin makakanood ng fan meet! Damay-damay na ito!” malakas din na sabi ni Francine at lalong hinila si Carmella, nasa kabilang kamay na nakahawak ay si Sunshine, nasa likod naman ay sina Jio and Diane. Lumakad na sila palapit sa amin at nang malapit na siya sa amin ay napatigil siya,