KUMABOG nang malakas ang aking dibdib na pilit ko pa rin hinahawaka ang doorknob at baka bumukas ito pero walang nangyayari. “Hey, tulong! Hey? May nakakarinig ba sa akin?” malakas kong sabi at pinagpapalo ang pinto ng restroom. Napaawang ang aking bibig nang maalala ang sinabi ni Cohen sa akin. Ikukulong nila ako, heto na ba iyon? Pinilit ko ulit kalapagin nang malakas ang pinto at baka may magawi rito. Ang kinababahala ko lamang ay sobrang dalang ng taong nagsi-cr rito! Muntik na ako mawalan ng pag-asa nang maalalang dala ko pala ang phone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko at bigla nawala ang pag-asa ko nang makitang no signal. Pero, hindi pa rin ako nagpatinag dahil naghanap ako ng signal para matawagan si Francine. “Please, kahit isang signal lang! Ibigay mo na sa akin!” piping dal