DUMATING na ako sa classroom namin at binati ako ng mga kaklase ko. “Frances, magaling ka na ba?” “Uso talaga ang sinat ngayon dahil lumalamig na ang panahon!” “Maligayang pagbabalik, Frances!” Napangiti ako sa kanilang mga sinabi at tumango sa kanila. “Okay na ako, guys! Thanks sa pag-aalala sa akin.” Umupo na ako sa seat ko. “Frances, huwag kang mag-alala, okay? Excuse ka sa mga classes natin!” Narinig ko pang pahabol ng isa kong classmates. Tinignan ko siya at ningitian siya. Kinuha ko na lamang ang book ko at nag-aral ako para sa subject ngayon. Kailangan kong humabol para hindi mahuli sa lesson. “Wow! Ang aga mo, Frances! Welcome back!” nakangiting sabi ni Francine sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. “Talagang nagbabasa ka agad ng lesson para ngayong araw, ha? How to b