ISANG linggo na ang nakakalipas na manirahan ako rito sa condo unit ko. Hindi naman ako nalulungkot kasi bumibisita minsan sina Franco, Angel and Lili sa akin, gusto nga nilang matulog dito sa weekends. Maging sila Francine ay dumalaw na rin sa akin last week, nag-overnight silang tatlo, hindi nakasama si Diane dahil need siya ng mommy niya. Si Callon naman ay every other day ang punta, sinasabi niya sa akin kung anong ganap sa bahay. Same pa rin naman daw dahil hindi pa rin pinapansin ni mommy si Collete. Nakagat ko ang lamang ang aking labi dahil ang masayang pamilyang mayroʼn kami ay nagiging watak-watak na dahil siguro sa akin. Napailing na lamang ako at isinantabi ang aking iniisip, bago masunog ko itong hotdog na niluluto ko ngayon. Nangunot ang aking noo nang tumunog ang doorbell,